Think Logical
"You are what you think, You do what you think in the simplest ways"
Tuesday, October 13, 2009
Bullseye
Sapul
Okay na sana. Okay na ang lahat. Sa isang iglap, gumuho nanaman ang pakiramdam. Nanaman, nanaman, nanaman. Walang tigil. Minsan nakakapagod na ren tumayo kung alam mo naman madadapa ka nanaman uli. Nakakapagod na.
Maganda ang nangyre sa araw na ito pero syempre, panget din. Sa isang iglap, akala ko lahat ay okay na. Naging masaya na ako sa nangyayare sa bagay bagay. Paunti unti ko ng nababago ang dapat baguhin, o hindi lang paunti-unti kundi nabago ko na talaga. Na tugunan na din ng Diyos ang lahat ng mga hiling ko na kahit meron isang naiwan. Nabiyayaan din ako sa mga bagay na alam ko na hindi ko din naman kailangan ngunit, binigay pa rin ng Diyos. Sa madaling salita, ang pagkatayo ko, ay bumalik nanaman sa pagkadapa. Sa isang idlap. Quarterly exam namin itong linggo na ito. Nakalimutan ko kung san ko nilagay bag ko. Pinuntahan ko ang mga napuntahan ko bago ko napansin na wala sa akin ang bag ko. Wala na. Siguro na kuha, siguro merong lugar ang hindi ko napuntahan. Umuwi nalang ako kasi hindi din naman pwede ako magtagal para mag shooting kasi nandun ung costume ko. Hindi din ako wpede mag tagal kasi ung permit ko para sa review ay nasa bag ko din. Umuwi ako at humiga na agad sa kama. Iniwasan ko nalang isipin kung ano laman nun. Walang pera o mga kung ano ano na mamahalin. Meron lang, Diary ko & notebook at clearbook ko sa ELA. Dinala ko un dahil baka ma review ko siya sa opportunity class ng ELA dahil hindi ko maintindihan ung lessons. Pero ayun, nawala ung bag, kaya hindi ako makakapag aral sa ELA dahil walang naiwan saken sa ELA. Nandun din ata ung notebook ko sa Science, pero, okay lang ung sa Science kasi may handout naman ako. Ayun, God Bless nalang sa aken.
Sakto
Marami na din ang nangyre sa mga araw na nagdaan. Nahulog ako sa isang tao na hindi dapat nangyre. Tanong sa aken, "bakit siya?". Kahit ako hindi ko masagot. Hindi ko alam pero siya.
Araw na nag daan na ika'y dumating as buhay ng isang bintalyong problemado sa buhay. Ako un. Hindi man ako ang taong seryoso, pero meron pa ding parte sa akin na seryoso at tahimik. Naalala ko ang unang araw na nakita kita. Inosente at masaya pa nung araw na iyon dahil kakatayo ko lang nanamn sa isang problema. Pinili ko ang desisyon na alam kong papasok ako sa gulo. Ika nila, kung ayaw mo masaktan, wag ka nalang mag mahal. Handa ako sa mga dadating, dahil akala ko ikaw na. Akala ko, sa tanaw mo, ako na. Akala ko pareho tayo ng nararamdaman. Sa tuwing nakikita kita, lalo akong naasa sayo. Lalo ako nahuhulog sayo, lalo ako nawawala sa mundo. Ilang araw din kitang hinintay. Personal man o sa internet lang. Bawat 5 sugundos, tinitingnan ko status mo kung meron mang pahiwatig sa akin. Bawat 2 minutos tinitingnan ko profile mo sa facebook. Araw araw ako online para makita ka lang online. Bawat sandali, naiisip na kita. Hindi ka na mawala. Sa hallway, laging kitang hinintay makita ka lang. Natandaan mo nung unang beses mo akong tinalikuran? Umiyak ako nung araw na iyon siguro dahil un ang unang araw na hindi kita nakita. Pero sa mga pagdaan ng araw, nasanay ka na rin habang ako naman nasanay na rin maghintay sayo.
Minsan, nakakapagod din sumuntok sa pader. Nakakapagod din maghintay sa wala. Nakakapagod din lumakad patungo sa walang kabuluhan. Nakakapagod din tumanaw sa orasan. Nakakapagod magmahal sa wala. Pagod na din ako isipin ka buong araw at ang makukuha ko lang sayo, ay wala. Pagod na din akong umiyak sa gabi kakaisip sayo, at sa sunod na araw, parang walang nangyre. Lahat nakakapgod na. Na isip ko na, hindi kailangan pilitin ang isang tao para mahalin ka. Kung pareho tayo ng nararamdaman, siguro, guniguni ko lang un. Siguro nakikiride ka lang, at sa pakikiride mo na un, sana mag enjoy ka. Marami na akong nasakrapisyo para sa yo, at siguro, oras na para tumigil. Oras na para kalimutan ang nangyre. Umasa ka man, huli ka na. Pero mukhang impossible naman un. Ayoko ng mag aksaya ng oras, lalo na sa panahon na ito.
Akala ko nararamdaman mo din ang nararamdaman ko dahil sa mga ginagawa mo sa akin, un pala, hindi.
Archives
April 2009
May 2009
July 2009
August 2009
September 2009
October 2009
November 2009
December 2009
January 2010
February 2010
April 2010
May 2011

Subscribe to Posts [Atom]
Post a Comment